Sagot :
• Ang isa sa Mga pinakamahalagang nagawa ni Andres Bonifacio para sa ating bansa ay ang pagbuo ng "Kataastaasang,Kagalang-galangan na katipunan ng mga Anak ng Bayan" o ang tinatawag na KKK. Dahil sa KKK,nagkaroon ng lihim na grupo na naghangad na makuha ang kasarinlan mula sa mga Espanyol.
• Sa Katunayan,siya ay kinikilala bilang "Supremo" ng KKK. Siya rin ay kinilala bilang "Ama Ng Rebolusyon."
• Ang Itinatag niyang KKK ang naging sentro ng mga Pilipinong naghihimagsik laban sa mga Espanyol.
• Si Andres Bonifacio rin ay sumulat ng mga akda para sa ating bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang "Decalogo ng Katipunan" at "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa".