👤

kailan naitatag ang ikalawang republika ng pilipinas​

Sagot :

Answer:

october 14,1943

Explanation:

Sana makatulong

October 14 1943

Pagtatatag ng Ikalawang Republika

Pagkatapos itatag ang Komisyong Tagapagapaganap ng Pilipinas, sa

pamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga Hapon ang paglikha ng pitong

kagawaran na ang bawa’t isa ay may kalihim na Pilipino. Ngunit sa bawat

kagawaran ay may isang Hapon na nagmamatyag at nagsasabi sa mga kalihim

kung ano ang gagawin.

Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon sa

Pagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ng

isang saligang-batas bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.

Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga Hapon ang mga partidong pulitikong

naitatag noong panahon ng Komonwelt. Bilang kapalit nito, inutusan nila ang mga

Pilipinong lumikha ng isang Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas o

KALIBAPI. Inutusan itong sumulat at pagtibayin ang isang saligang-batas para sa

pagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mga

kaanib ng Pambansang Asembleya at noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pangunang pagtitipon ng Asembleya ay nahalal na Pangulo ng Republikang tinatangkilik

ng Hapon si Jose P. Laurel.

Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng

Pilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Ang

pambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit at

iwinagayway. Nang araw ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel na

pirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang Pilipinas ay nangangako ng

katapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel, ito ay

walang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino at

hinihintay lamang ang kanilang pagbabalik.

Pagbabagong Pampulitika

Sa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa pamahalaang

pambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat

naisin ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa

bawat kilos nila. Liga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan.