Sagot :
Answer:
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Explanation:
Payak – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng salitang-ugat lamang. Ilan sa mga halimbawa nito ay bilog, hinog, at pandak.
Maylapi – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng mga salitang-ugat na dinudugtungan ng mga panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng mga ito ay matapang, simbilis, at malakas.
Inuulit – ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad ng pulang-pula, araw-araw, at puting-puti.
Tambalan – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang pinagtambal katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.
Hope It Helps