na ang ilog na malinis na may tubig na nilalanguyan, nauubos na rin ang punong aakyatan dahil sa walang habas na pagputol nito, ngunit hindi naman napapalitan. Ang hanging malinis ay nawala na rin dahil wala na ang mga punong sumasala sa hangin. Kapag ang mga puno ay tuluyan ng nawala, ang ecosystem ay mawawalan ng balance at magdudulot ng matinding init sa mundo. Sa panahon naman ng tag-ulan, madaling ng bumaha dahil wala ng kumakapit sa lupang mga ugat ng puno. Maraming masasalanta at magbunga ng pagkamatay ng mga taong nakatira malapit sa mga ilog o paanan ng bundok. Itigil na ang mga hindi tamang ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil lahat tayo ay maapektuhan at madadamay. Sumama tayo na pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Panatilihin natin ang disiplina sa sarili. Huwag magtapon ng basura kahit saan. Kahit ikaw ay bata malaki ang maitutulong mo para pangalagaan ang kalikasan. SM E Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Tungkol saan ang binasa mong teksto?