1. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Pilin ang letrang A kung ang mga sumusunod ay naging impluwensiya ng mga Amerikano sa bansa at B kung hindi itiman ang letra ng sagot sa sagutang papel. 1. Pagpapatayo ng mga apartment, chalet at bungalow na bahay. 2. Pagdiriwang mga pista ng mga santo. 3. Paggamit ng mga telepono, radio at telegrapo. 4. Ang mga pagkain ng mga hotdog, sausage, hamburger at sandwich. 5. Paggamit ng flush sa mga palikuran. 6. Pagdarasal ng nobena at pagrorosaryo. 7. Paggamit ng make-up, lotion at pabango 8. Natuto ang mga Pilipinong gumamit ng byulin, gitara at piano. 9. Ang panitikang may kaugnayan sa relihiyon gaya ng dasal, pasyon. 10. Paggamit ng mga trambiyang pinatatakbo ng elektrisidad.