______________1. Ang gumawa ay hindi kailangan ito, ang may-ari ay ayaw ito, at ang gumagamit ay hindi alam na ginagamit niya ito. ______________2. Ano ang nasa hulihan ng tren na nasa gitna ng manok?
______________3. Sumabog ang barkong sinasakyan ni Rizal patungong Europe. Tumilapon ang binti niya sa ilalim ng dagat samantalang napunta naman ang kamay niya sa pampang. Saan naman nakita ang ulo ni Rizal?
______________4. Si Juan ay ipinanganak sa Pilipinas. Ang ama niya ay isang Amerikano, ang ina naman niya ay isang Haponesa. Bininyagan siya sa bansang Singapore. Nang siya ay lumaki, nakapag-asawa siya ng isang Koreana. Naninirahan sila sa bansang Taiwan. Sa oras ng kamatayan, inabot siya sa Iraq. Anong tawag kay Juan?
______________5. Bugtong, bugtong, nasa loob ang tubig, nasa labas ang lupa, walang isda.
______________6. May isang dalagang maganda’t marikit, hindi lumaki kundi lumiliit.
______________7. Anong nabibili sa tindahan na hindi nahahawakan?
______________8. Mayroong isang natagpuang patay, tinanggal ang atay. Ano ang natira sa kanya?
______________9. Anong mayroon sa isda na dalawa sa daga, tatlo sa palaka at wala naman sa ibon?
______________10. Tatlong bundok ang tinibag bago narating ang dagat.