Sagot :
Answer:
Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita tungkol sa pagsulat ng tula, mahalagang
itinatanong ko sa mga nakakaharap ko kung ano o sino na ang kanilang nabasa. Dahil tulad ng
alinmang larang o disiplina, kailangan sa pagtula ang sapat na kaalaman at kasanayan sa teorya
at praktika nito. Tulad ng isang manlilikha o kompositor ng awit na nagkagiliw o naaliw muna sa
pakikinig sa maraming awit na likha ng iba, tiyak na naakit o natuwa muna sa tula ng kung
sinong makata ang isang nagsusulat ng tula. Napakahirap isipin na basta na lamang nagigising na
isang makata o naghahangad nang tumula ang sinuman.
Nakasalalay, kung gayon, sa husay at sigasig ng guro sa panitikan ang pagkalinang ng
interes sa pagtula ng mga mag-aaral. Sa konteksto ng modernong pamumuhay, sa mga klase sa
literatura unang nagkakaroon ang mga bata ng pormal na pag-aaral ng tula. Aspektong panganyo o teknikal ng tula ang tinutukoy ko sa paggamit ng salitang pormal, hindi simpleng
sitwasyon o paraan ng pag-aaral.
Sa higit na mababang antas, dapat lamang asahan na unang natutuon ang pansin ng pagaaral ng tula, at ng anumang anyo ng panitikan sa pangkalahatan, sa moral lesson. Madalas nga,
nauuwi ang lahat ng pag-uusap tungkol sa isang akda sa pagtiyak ng mensaheng ibinabahagi ng
awtor. Dahil may bahagi sa mga lesson plan ng guro na nagtatakda na dapat ay may gawin ang
mga mag-aaral bilang katibayan ng pagkatuto, madalas na pinasusulat din ang mga bata ng tula o
sanaysay bilang reaksiyon o tugon sa akdang pinag-aralan.
Wala akong nakikitang masama rito. Dahil sa inspirasyong nakuha sa akdang binasa,
naaakit ang mag-aaral na magsulat din ng sarili niyang akda. Ngunit may isang problema. Kung
aral ng tula ang pinag-usapan sa klase, bakit tula ang ipagagawang aktibidad sa mag-aaral? Hindi
ba dapat ay aplikasyon sa buhay ng natutuhang aral ang dapat na gawin nila? Bakit patutulain
ang mga bata? Tinuruan ba sila kung paano tumula? Iba ang pagkabatid sa aral kaysa sa
pagkatuto ng proseso ng pagtula.
Sa madali’t salita, kung patutulain natin ang mga bata sa klase sa Filipino o Literatura,
dapat lamang na tinuruan muna sila kung paano ba tumutula. Hindi sapat na nakuha nila at
nagandahan sila sa aral ng isang tula para makasulat na rin sila ng tula. Maraming dapat
matutuhan sa proseso ng pagbuo ng tula. Hindi ba makatarungan lamang na kung ano ang
itinuro, iyon ang asahang alam ng bata? Kung moral lesson ang alam, baka homiliya o sermon
ang dapat asahang magagawa nila. Ibang-ibang hayop ito kaysa sa tula.
Sa panayam na ito, pagtutuunang pansin ang para sa akin ay tatlong pangunahing
pangangailangan para sa pagsulat ng tula sa wikang Filipino, na dapat taglayin ng mga mag-aaral
sa hayskul man o kolehiyo bago sila patulain. Una, kamalayan sa tradisyon; ikalawa, pagiging
bukas sa impluwensiya; at ikatlo, pagpapasok ng inobasyon. Nasa pagtupad sa mga
pangangailangang ito, at nasa dinamikong inter-aksiyon ng mga ito, ang ikapagtatagumpay ng
isang matulaing proyekto.
Explanation:
sana po nalatulong
Answer:
Elemento Ng Tula
1. Tula – isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
2. Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
3.

Elemento

Sukat

Saknong

Tugma

Kariktan

talinhaga

4. SUKAT Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
5. Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin – hal. Isda ko sa Mariveles - Nasa loob ang kaliskis
6. Mga Elemento ng Tula
7. 2. Lalabindalawahin – hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat
8. 3. lalabing-animin – hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
9. 4. Lalabingwaluhin – hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
10. Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may Cesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pg-ibig!
11. Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones. Ito ang tinatawag na Haiku, na may limang pantig lamang sa loob ng isang saknong at Tanaga na may pitong pantig sa loob ng isang saknong.
12. Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 6 linya - sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya - quatrain 8 linya - octave 5 linya – quintet Ang couplets, tercets at quatrains ang mada- las na ginagamit sa mga tula.
13. TUGMA Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
14.

MGA URI NG TUGMA

Tugma sa patinig

hal. Mahirap sumay a

Ang taong may sal a

hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagaw i

Minsa’y nalilimot ang wastong ugal i

15. Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasu- nod o salitan. hal. a a a a a i a i a a i i
16. 2. Tugma sa katinig a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t hal. Malungkot balikan ang taong lumipa s Nang siya sa sinta ay kinapos-pala d b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kama y Ni hindi matingnan ang sikat ng ara w
17. KARIKATAN Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
18. TALINHAGA Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na bina- banggit. Ito’y isang sangkap ng tula Na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
19. Binuo ni ROSEMELYN T. RANCHES Guro sa Filipino Quezon City High School