👤

ano-ano ang mga ginawa ni mang Erning sa buong maghapon​

Anoano Ang Mga Ginawa Ni Mang Erning Sa Buong Maghapon class=

Sagot :

Ang ilan sa mga ginawa ni mang Erning sa buong maghapon:

Sa loob ng maghapon, nakita ko dito ang paggugol ni mang Erning ng bong maghapon niya sa pamamasada ng tricycle. Naghatid ng magkapatid na estudyante, umuwi sa kanila para mananghalian habang matumal ang biyahe, nagpalit ng pundidong ilaw nila sa kusina, inihatid si Aling Teray tungo sa ospital sapagkat may sakit ang bunso niyang anak at nagpatuloy pa rin sa pagbibiyahe at pamamasada.  

Kitang-kita dito ang kasipagan at pagtitiyaga niya sa trabaho niya kahit mahirap ito. Nagsisikap siya ng husto at kasabay nito mayroon siyang pagmamalasakit na tumulong sa iba.  

Kung ang magulang ko ay si mang Erning, magsisikap ako bilang anak na gawin ang buong makakaya ko sa pag-aaral dahil ito tanging paraan para masiyahan ang magulang ko. Isa pa, magpapakita ako lagi ng kabutihan sa kaniya sa lahat ng panahon at pasasalamatan ang lahat ng sakripisyo niya alang-alang sa amin. Kasabay nito, papakitaan ko rin siya ng pagmamahal at suporta upang ganahan siya sa pagtatrabaho sa kabila na mahirap ito. At kung dumating man sa punto na ako ay makapagtapos na, makakabigay na ako ng suporta sa kanila bilang sukli sa mga ginawa niya para sa akin.  

Para makapagbasa pa ng karagdagang mga impormasyon, maaaring magtungo pa sa link na ito:  

Ang obligasyon ng bawat miyembro ng pamilya: brainly.ph/question/2150355

#BrainlyEveryday