1. Ang anektoda ay talaan ng mga karanasan at gawaing naganap o ginagawa na.
A. Tama
B. Mali
2. Ang anektoda ay may layuning magpabatid ng isang katangian ng pangunahing tauhan kaya kahit sino ay maaring magbahagi nito.
A. Tama
B. Mali
3.Ang talaarawan ay maaaring magamit bilang pangunahing sanggunian dahil ang nilalaman nito ay personal na tala tungkol sa mga pangyayari.
A. Tama
B. Mali
4. Ang talaarawan ay isang uri ng panitikan sa anyong tuluyan na karaniwang payak, maikli at tumatalakay sa kakaiba o nakakatuwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kakilala, sikat o tanyag na tao.
A. Tama
B. Mali
5. Ang talaarawan ay talaan ng mga karanasan at gawaing naganap na o ginawa na, nakasulat dito ang petsa o panahon ng pangyayari.
A. Tama
B. Mali
6. Alin sa mga sumusunod ang kasalungat ng MAAMO?
A. Mabait
B. Tahimik
C. Mabagsik
D. Matapang
7. Ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip. ito ay nagiging kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman at lumilinang sa ating imahinasyon.
A. Tama
B. Mali
8. Pinaniniwalaan na ang pagbabasa at pag-unawa ng teksto ay ang kakayhang mabasa ng isang indibidwal ang bawat titik at salitang nakalimbag.
A. Tama
B. Mali
9. Alin sa mga sumusunod ang kasalungat ng NAKABIBINGI.
A. Tahimik
B. Maayos
C. Payapa
D. Malakas