👤

Angkop na Pamagat:_____________
1.
Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka, o kambing
Asinan ang gatas, pakuluan ng tatlumpung minuto habang hinahalo at pagkatapos
ay itinggal nang mga sampung oras. Magkakaroon ito ng mga buo-buong bahagi
na siyang babalutin sa murang dahon. Ngayon, may kesong napakadaling gawin.

Angkop na Pamagat:____________
2.
Ang puto bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang din sa
tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay lila/ube at kakaning gawa sa giniling
na malagkit na bigas. Isa ito sa pinakapopular na pagkaing mabibili tuwing sasapit
ang panahon ng kapaskuhan.

Angkop na Pamagat:_______________
3.
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay
ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may
inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila'y naglilinis at nag-
aayos ng buong bahay. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at
naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano
ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.​