👤

Ano ang layunin ng batas?​

Sagot :

Answer:

Ano ang layunin ng mga batas?

And layunin ng batas ay upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan.

Explanation:

Ang mga batas ay nilikha ng pamahalaan upang magkaroon ng gabay ang mga mamamayan sa habang nasa loob sila ng nasasakupan. Layunin nito na maisaayos ang takbo ng lipunan para sa lahat.  

Ilang dahilan kung bakit may batas:

Ito ay nagbibigay ng proteksyon sa bawat indibiduwal laban sa krimen.

Nagkakaroon ng proteksyon ang mga kasali sa iba’t ibang transaksyon, maging mamimili man ito o nagnenegosyo.

Bagamat mahirap sa kasalukuyang kondisyon ng ating mga kalye, nagagawa pa rin na maisaayos ng konti ang daloy ng trapiko.

Nabibigyan ng panuntunan ang mga mamamayan upang magkaroon pagbabasihan ng tamang ikikilos sa loob ng komunidad.

Bagama’t ang mga batas ay may malinaw na layuning pagandahin ang takbo ng lipunan, hindi maitatanggi na ito ay maaari rin magamit ng mga politiko at nagpapatupad nito sa masama.

Ilang halimbawa ng dahilan kung bakit at paano nagagamit ang batas, ang paglikha nito at pagpapatupad sa maling paraan:

Nagiging dahilan ang paggawa ng mga bagong batas at regulasyon upang madagdagan ng pondo ang pamahalaan sa pamamagitan ng paniningil ng multa sa mahihirapan at hindi makasunod dito.

Nagagamit ito sa pananakot o manggipit sa mga walang laban, gaya ng mga pulis na gumagawa ng krimen o mga politikong ginagamit ang kapangyarihan sa maling paraan.

Ito ay naaabuso rin ng iba nating mamamayan dahil sa proteksyong naibibigay nito.

Walang perpektong batas, at hindi na yata magkakaroon nito, ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay lamang sa pagtutulungan ng bawat ng sektor. Mahalaga ang tamang pagpapatupad at kusang pagsunod ng mamamayan, sa ganitong paraan lamang tayo makakaramdam ng pagbabago sa takbo ng ating lipunan.