Sagot :
1. Tagapagbatas | Lehislatura
- Ang sangay na ito ay may kapangyarihang magpanukala, gumawa, at magbago ng batas. Nakasalalay ito sa Kongreso ng Pilipinas.
- Ang Kongreso ay nahati sa dalawang kapulungan:
- Senado – Ang mataas na kapulungan, ito ay binubuo ng 24 na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado
- Kapulungan ng Kinatawan – Ang mababang kapulungan. Bmubuo ng higit na 250 na kinatawan na pinamumunuan ng isang Speaker o Punong Kinatawan
2. Tagapagpaganap | Ehekutibo
- Ito naman ang nagpapatupad ng batas na ginawa sa Kongreso. Ito ay nasa pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng pansa at ang pangunahing tagapatupad ng batas.
- Ang Pangulo ay may katulong ng mga gabinete at ng Bise Presidente
- Gabinete – pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga kagawaran.
3. Panghuhukom | Hudisyal
- Sila naman ang nagdidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman
- Ito naman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at labing-apat na Kagawad na Hukom