👤

C. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang masasabi mo sa aksyon ng ating

pamahalaan sa mga isyu sa paggawa lalo na sa kasalukuyang panahon na

marami ang nawalan ng hanap-buhay? Gumawa ng isang sulat sa pamahalaan

na nagpapahayag ng iyong saloobin ukol dito.​


Sagot :

Answer:

Mahal na pangulo,

Sana ay maaksyunan niyo at maresolba ang problema tungkol sa pagkawala at pahirapan na paghahanap ng trabaho. Sa ngayon po, isa ang kapatid ko sa mga naghahanap ng trabaho at walang gustong tumanggap sa kanya dahil highschool graduate lang ang natapos niya. Masyadong mataas ang standards na hinihingi ng kanyang mga gustong pasukan na trabaho. Sana po ay maaksyunan na ang ganitong problema at maging daan itong sulat ko para sa pagdami at pagbaba ng standards ng kahit anong trabaho.

Ibinibigay ko ang mula sa puso ko na pasasalamat kung sakaling mabasa mo po ito, Mahal na Pangulo.