👤

Magbigay ng walong (8) kahalagahan ng halaman

Sagot :

Walong Kahalagahan ng mga Halaman:

  1. Nakakatulong ito para makapagbigay oxygen sa ating mga katawan
  2. Nagdudulot ito ng ligaya sa paglilibang dito
  3. Nakakatulong ito para magbigay ng sariwang hangin at nakakapigil sa init ng araw
  4. Nakikinabang tayo sa mga bunga nito at nagsisilbing gamot sa ating karamdaman
  5. Malaking tulong ito upang mabawasan ang pagbaha
  6. Maaari tayong makakuha dito ng gamit para makagawa ng produkto
  7. Nababawasan nito ang carbon dioxide sa paligid
  8. Nakakaganda ito ng ating kapaligiran

Ang mga halaman ay mahalagang bagay sa ating planeta. Ito ay malaking grupo na mga nilikha ng Diyos na may buhay. At binubuo rin ito ng mga uri o miyembro tulad ng mga puno, dami, lumot at baging.

Malaki ang nai-aambag ng mga halaman sa mundong ginagalawan natin. At isipin natin kung wala ang mga halamang ito? Ano kaya ang buhay na mayroon tayo ngayon? Makakayanan kaya nating mabuhay ng matagal? Kitang-kita ang mabubuting naidudulot ng mga halaman sa buhay ng bawat tao. Kaya bilang mga indibiduwal, pahalagahan natin ang mga bagay na ito, ginawa ito ng Diyos para sa ating kapakinabangan.

Makipagtulungan tayo sa pagpapaganda ng ating kapaligiran at dagdagan pa ang mga halaman sa ating paligid. Kaya ngayon pa lamang ay maaari na natin itong simulan.

Magtungo pa sa link na ito upang makapagbasa ng karagdagang detalye may kaugnayan sa paksa:

Ang proseso ng photosynthesis sa halaman: brainly.ph/question/8760961

Halimbawa ng mga halaman:  

brainly.ph/question/294350

brainly.ph/question/878426

#BrainlyEveryday