👤

bakit kailangan may hangganan ang kalayaan ng tao​

Sagot :

Mga dahilan kung bakit kailangan o mahalaga na may hangganan ang kalayaan natin:

Kapag napasobra o napalabis ang paggamit nito ay posibleng mauwi sa kapahamakan. Maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa iba dahil may pagkakataon na makakasakit ka ng damdamin na hindi natin namamalayan. Isa pa, para malaman natin mismo sarili natin kung hanggang saan lang tayo at magamit ito sa wastong paraan. Kailangan rin makita mismo ito para mapigilan ang sarili na gamitin ito ng hindi muna pinag-iisipan. Proteksyon rin ito sa atin may kaugnayan sa pagtahak ng angkop na daan.  

Paliwanag:

  • Lahat ng tao ay may kalayaan dahil pinagkaloob ito sa atin. Ito ang pagkilos na pagnanais mo mismo at kagustuhan sa buhay. Walang maaaring makapigil nito sa isa pero kailangan pag-isipan mabuti ang mga limitasyon natin sa paggamit nito. Mahalaga na suriin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon na gawin ang isang bagay upang walang maaapakan na tao.  

 

  • Isang pagpapala nga sa ating mga tao na nilikha tayo na malaya at hindi na parang isang robot. Nakakapili tayo kung ano gusto nating gawin, kainin, suotin at maging sa paglilibang. Ang maaaring tandaan natin hinggil dito ay kung ang kalayaan ba natin ay ginagamit natin sa wastong pangmalas ng Diyos. Huwag natin igiit ang pansariling hangarin kung sa ikapapahamak naman ito, kailangan din na kontrolin ang sarili at maging ang paraan ng pag-iisip.  

Magtungo pa sa mga link na ito:

Kahulugan ng salitang kalayaan:

brainly.ph/question/973264

brainly.ph/question/800871

Kung bakit may limitasyon ang ating karapatan:

brainly.ph/question/2747009

#BrainlyEveryday