Sagot :
Answer:
Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya arawaraw. Mula paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Babangon na o hindi pa, maliligo o maghihilamos, kakain o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasyang ito. Marahil hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain. Sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang gagawin.