Sagot :
Answer:
KATAS NG SABILA (Aloe Vera)
Mainam na gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat.
Kunin ang katas ng dahon at ipahid sa balat na natilamsikan ng mantika; gamitin din ang katas para ikuskos sa anit at mukha. Maaari ring gamitin ang katas ng dahon bilang gamut sa sugat.
DAHON NG BAYABAS (Guava leaves)
Ginagamit na panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong panganak; tsaa para sa mga nagtatae. Ipanlanggas ang maligamgam o pinalamig na tubig sa sugat, galis, bakokang, minsan o dalawang beses maghapon.
Ilaga o pakuluan ang dahon. Gamitin ang pinagpakuluang tubig.
DAHON NG OREGANO (Oregano leaves)
Mabuti ang pinalambot na sariwang dahon sa nasunog o paso, kagat ng alupihan at sakit ng ulo. Kung ilalaga naman ang dahon, mabuting gamot sa sakit ng tiyan. Nakalilinis din ito ng balat.