Sagot :
Answer:
Lidia
Explanation:
LIDIA Ni Juan Crisostomo Soto
Kasintahan ni Lidia si Hector, ngunit pagkaraan ng ilang panahon,biglang nagbago ng pakikitungo si Lidia sa kasintahan. Maging sa pamaskong pagtitipong dinaluhan nila sa bahay ng kaibigang si Miling at sa pamamasyal nila sa pagdiriwang ng Naval sa Angeles, ipinahalata ni Lidia kay Hector ang panlalamig ng kanyang pag-ibig dito.
Isang hapon, ipinasya ni Hector na kausapin si Lidia sa kanilang pag-uwi galing sa simbahan. Ngunit sa halip na pagbuhatan ng kamay ang dalaga sa kanilang pagsasagutan, niyakap at hinagkan ni Hector sa publiko si Lidia na naging dahilan ng paghahabla ng mga magulang ng dalaga sa likha ng eskandalong ginawa ng binata.
Isang mahabang liham ng pag-ibig ang ipinadala ni Hector kay Lidia ngunit bago iyon nabasa ng dalaga, dinalaw siya ng nakakatakot na panaginip. Namatay daw si Hector. Kinabukasan ng umaga, natagpuan nga ang bangkay ni Hector sa isa nilang bakanteng bahay na nagsisilbing botika ng mga magulang ng binata. Isinumbat kay Lidia ng mga kababayan ang pagkamatay ni Hector.
Ang pagbabago pala sa pakikitungo ni Lidia sa kasintahan ay dahilan sa isang kaibigan ni Hector na humaharang ng mga liham ng dalaga para sa kasintahan. May lihim na pagtatangi kay Lidia ang kaibigan ni Hector. Siniraan nito si Hector na hindi ito tapat sa dalaga. Nalaman lamang ito ni Lidia nang patay na ang kasintahan.
Nakatagpo ni Lidia sa libingan ang taksil na kaibigan ni Hector. Nagawa ni Lidiang paluhurin ito sa harap ng puntod ng kasintahan at paghingiin ng tawad kay Hector.