Tayahin Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilya na sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 21) narinig kutsara at tinidor nagmamadali mikropono eroplano 1. Nagkukumahog na sumasakay ng dyip si Johny dahil mahuhuli siya sa klase. 2. Binuhusan ng kusinera ang mga kubyertos sa carenderia bago ipagamit sa ibang kakain. 3. Bumili ng bagong miktinig si Aling Rosalinda para sa Awit Tanghalan. 4. Natatakot ako nang naulinigan ko ang kumakaloskos sa dingding ng bahay. 5. Abot-tanaw ko na ang ulap habang nakasakay ako sa salipawpaw.