COVID-19 Ang Coronavirus (COVID-19) ay isang sakit na dulot ng virus. Ito ay maaaring magmula sa karaniwang sakit gaya ng ubo't sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-COV, SARS-CoV at iba pang kaugnay. Ang COVID-19 ay nakahahawang sakit. Karaniwang sintomas na dulot nito ay lagnat, sipon, ubo, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Kapag nakapasok ito sa katawan, maaari na itong makahawa sa ibang tao na nakasalamuha mo. Kaya, kailangang mapanatili ang social distancing, paggamit ng facemask, pagpapalakas ng katawan, pag-iwas sa matataong lugar, at pananatili sa malinis na bahay. Tandaan na walang halagang maaaring itumbas sa kalusugan. 1. Ano ang paksa ng talata? A NIHI B. COVID-19 C. MERS-COV D. SARS-CoV​