👤

mga paraan upang mawala ang pag di-depressed???

KASI DEPRESSED AKO NGAYUN​


Sagot :

Answer:

Depresyon: Mga Tip sa Pagtulong sa Sarili

Habang tinutulungan ka ng iyong mga healthcare provider na gumaling mula sa depresyon, maaari mo ring tulungan ang iyong sarili. Tandaan na ang iyong karamdaman ay makakaapekto sa iyo nang emosyonal, pisikal, pag-iisip, at pansosyal. Kaya ang lubos na paggaling ay magtatagal. Alagaan ang iyong katawan at kaluluwa, at maging matiyaga sa iyong sarili habang ikaw ay gumagaling.

Lalaki at babaeng magkasamang nakaupo sa daungan.

Sumama sa Iba

Huwag ibukod ang sarili—mas sasama lamang ang iyong pakiramdam. Subukan na sumama sa ibang tao. At lumahok sa mga masasayang aktibidad hanggang kaya mo. Magpunta sa sinehan, larong pambola, panrelihiyong serbisyo, o pansosyal na kaganapan. Bukas na makipag-usap sa mga taong iyong pinagtitiwalaan. At tanggapin ang tulong na ibinibigay sa iyo.

Panatilihin ang Iyong Pananaw

Maaaring mabago ng depresyon ang iyong pagpapasiya. Kaya antayin mong bumuti ang iyong pakiramdam bago gumawa ng mahahalagang desisyon sa buhay, tulad ng pagpapalit ng trabaho, paglipat, o pagpapakasal o paghihiwalay.

Ang karamdamang ito ay hindi mo pagkakamali. Huwag sisihin ang sarili sa iyong depresyon.

Ang paggaling mula sa depresyon ay isang proseso. Huwag mawalan ng pag-asa kung matagal bago bumuti ang iyong pakiramdam.

Inuubos ng depresyon ang iyong enerhiya at konsentrasyon. Kaya hindi mo magagawa ang lahat ng mga bagay gaya noon. Mag-set ng maliliit na layunin na kaya mong gawin