Sagot :
1.) Pagbomba sa Pearl Harbor.
- Inatake ng mga Hapones ang isang base militar ng Estados Unidos sa Pearl Harbor na matatagpuan sa Hawaii. Nawasak ang mga barko't mga eroplano roon. Marami rin ang namatay at mayroon ding mga sugatan.
2.) Pagsalakay sa Pilipinas ng mga Hapones.
- Pagkatapos salakayin ang Pearl Harbor, sinunod nila ang Clark Field na matatagpuan sa Pampanga. Binomba rin ang mga lungsod sa Baguio, Davao at iba pa.
3.) Pagdeklara sa open city ang Maynila.
- Idineklarang open city ang Maynila para hindi ito bombahin ng mga Hapones. Ang ibig sabihin ng open city ay— walang kahit anong armas o kagamitang pandigma ang makakapasok sa Maynila.
4.) Pagbagsak ng Bataan.
- Nanatiling matatag ang mga tagapagtanggol ng Bataan, ang mga sundalong Amerikano't Pilipino. Ngunit nang maubos ang mga gamot, kagamitang pandigma't mga pagkain, ay nanghina ang mga ito. Marami ang nagkasakit. Wala nang natirang gamot kaya't nawalan ng pag-asa ang mga sundalo. Dahil diyan, sumuko ang mga sundalong Pilipino't Amerikano. Ang mga sumukong sundalo ay pinalakad ng napakalayo. Nakaranas sila ng labis na pagod at gutom. Ang mga nabubuwal ay isinasaksak ng mga Hapones at ang mga hindi napapansin ng mga Hapones ay inililigtas ng mga sibilyan. Tinawag itong "Death March".
#CarryOnLearning