👤

nagawa ng india national congress?

Sagot :




Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian Muslim League noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang- pansin.Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim

Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles. Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.

Naideklara ang kalayaan ng India noong Agosto 15, 1947, lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru, kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.

Nabaril at namatay si Mohandas Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at Muslim sa isang bansa.

Ahimsa- Ito ang hindi pagagamit ng dahas o non violence. Ang Satyagraha nman ay ukol sa paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal,meditasyon,at pag-aayuno ayon kay Mateo et al.Asya, Pag-Usbong ng Kabihasnan.