👤

ano ang mga sintomas ng nalason ng mga babae na may Dysmenorrhea

1.
2.
3.
4.
5.​


Sagot :

Answer:

Sakit At Sintomas

Dysmenorrhea

I type ang sakit dito..

DYSMENORRHEA: Sakit sa Puson Habang Nireregla

Ano ang dysmenorrhea?

Ang dysmenorrhea ay mas kilala sa tawag na menstrual cramps na nagaganap tuwing may regla ang isang babae. Nagdudulot ito ng paninikip sa matris (uterus), na siya namang nagdudulot ng pananakit sa mga bahaging nakapalibot sa balakang at sa lower abdomen. Ito rin ay maaaring magdulot ng pananakit ng likod, pagtatae, at pagsusuka.

Madalas itong nararanasan ng mga babae sa pagsisimula ng kanilang regla at maaaring tumagal ang mga sintomas nito ng tatlong araw. Bagamat hindi ito masyadong nakakaabala sa mga gawain sa araw-araw, ang dysmenorrhea ay maaaring dulot ng umiiral na kondisyon na kinakailangan ng pagsusuri.

Ano ang mga sintomas ng dysmenorrhea?

Ang pangunahing sintomas ng dysmenorrhea ay ang pananakit sa balakang o gilid ng tiyan. Maaari ding maramdaman ang pananakit sa hita o sa ibaba ng likod. Bukod sa mga sintomas ng menstrual cramps, maaari din itong magpalala ng ibang senyales ng pagreregla gaya ng mga sumusunod:

Pagsusuka

Pagsakit ng ulo

Pagkahilo

Pagiging sensitibo sa ilaw, tunog, o amoy

Pagkahimatay

Panghihina

Pagtatae

Ang lahat ng sintomas na ito ay maaaring tumagal hanggang matapos ang regla ng babae. Hindi ito kadalasang nagdudulot ng malubhang kalagayan, ngunit maaari itong makaabala sa araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Ang sobrang pananakit na dulot ng dysmenorrhea ay maaring makapigil sa paggalaw.