Sagot :
Answer:
Ang Mesoamerica ay hango sa katagang meso na ang ibig sabihin ay “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fensoca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito ay matatagpuan ang mga anyong tubig ng ilog Panuco at Santiago. Samantalang ang katimugang hangganan ay mula sa Baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize at El Salvador. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.
Ang mga Pamayanang Nagsasaka ( 2000 – 1500 B.C.E.)
KABIHASNANG MAYA
(250 C.E, - 900 C. E.)
Ang Mayan Civilization
Nahahati ang kabihasnang Maya sa tatlong panahon;
1. Pre-Classic – 1800 B.C.E.
- Pagtatayo ng mga pyramid
-pottery at fired clay figurines
2. Classic – (250 – 900 C.E.)
-umusbong ang konseptong urbanismo
-pagtatayo ng lungsod-estado
-Cancuen – isang malaking lungsod sa kabihasnang Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid.
- Mayan Civilization Collapsed
3. Post-Classic
Yucatan – lungsod
Mayapan – lungsod-estado, dito sinasabing nakuha ang pangalan nilang “Maya”
Popol Vuh – Mayan Mythology kung saan natagpuan sa kaharian ng Quiche ang iba pang importanteng dapat malaman tungkol sa kabihasnang Mayan
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
Ang Mayan Mythology
Mga teksto ng Pool Vuh
Nabuo ang mga pamayanang lungsod ng Maya; Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan
Narating ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Ang katawagan sa kanilang pinuno ay halach uinic o “tunay na lalaki”. Pinalawig nila ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.
Nang lumaon ay nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiuugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakakariwasa. Nakatira sila sa mga kubo na yari ang bubong sa kugon.
Sinasabing mayroong higit na 40 na lungsod ang imperyo ng Maya. Bawat isang lungsod ay may mga residente na nasa pagitan 5,000 at 50, 000. Ayon sa The New Encyclopedia Britannica, “ang pinakamataas na bilang ng populasyon ng mga Maya ay maaaring umabot nang 2,000,000 katao na ang karamihan ay nakatira sa sa mga kapatagan ng tinatawag na Guatemala.
Naging imposible sana ang pagtatayo ng mga lungsod ng mga ito taglay ang kanilang kahaanga-hangang mga gusaling bato kung hindi dahil sa pagpapagal ng mga Mayan na nagtatanim ng mais. Bukod sa pagtatanim upang may makain ang kani-kanilang pamilya, ang mga masisipag na lalaking Maya ay inaasahang tutulong sa gawaing pagtatayo. Karagdagan pa, kailangan nilang magtanim upang may makain ang mga maharlika at mga saserdote., na ayon sa pangangatuwiran ay may mas mahalagang gawaing dapat na asikasuhin.
Ang mga Mayan ay malapit sa isa’t isa. Sa katunayan, kadalasang nakatira ang mga lolo’t lola, mga magulang, at mga anak sa iisang bubong. Ginagawa ng mga kalalakihan at nakakatandang mga batang lalaki ang karamihan sa gawaing bukid. Nag-aaral naming magluto, manahi ng damit, at magpalaki ng kanilang nakakabatang mga kapatid ang mga batang babae.
Ang mais ang pangunahing pagkain ng mga Mayan. Iniluluto ito ng mga kababaihan at mga batang babae sa iba’t ibang paraan. Nariyan ang lapad na cake o ang kilala natin ngayon na tortilla. Kahit na ang inuming alcohol na tinatawag na balche ay ginagamit ng mais bilang isa sa pangunahing sangkap nito.Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid. Sa panahon ng kapistahan, ang mga ito ay dinarayo ng iba’t ibang mangangalakal, pesante at mga pari. Ang mga pari ang namamahala sa mga seremonyang pangrelihiyon. Mababakas sa mga nakaukit sa pader at dekorasyon sa mga banga ang ginampanang papel ng mga pari.