Ano ang 1. May mga taong nanghahamak ng kapwa na mas mababa ang katayuan sa kanila. Alin ang pinakamababaw na kahulugan ng nanghahamak? A. nang-aalipusta B. nanlalait c. nangyuyurak D. namimintas 2. Tahasan ang winika ng pangulo hinggil sa kalagayan ng bansa. pinakaangkop na kahulugan ng salitang may salungguhit? A. bigla B. galit C. mabilisan D. malinaw 3. Saan ang tagpuan ng alamat? A. kakahuyan B. Bohol C. bayan D. bahay 4. Talagang napakaamo ng iyong mukha. Anong damdamin ang ipinahihiwatig nito? A. paghanga B. inggit C. pagkabigla D. masaya 5. Anong damdamin ang pinakikita sa pahayag na "Sa palagay mo magugustuhan ko ang itsurang iyan?” A. pagkalungkot B. pagkainis C. pagkabigo D. panlalait 6. "Bakit, bakit naging ganyan ang iyong anyo?" Anong damdamin ang ipinahihiwatig? A. pagkalito B. pagkabigla C. pagkatakot D. pagkagalit 7. Piliin ang nasa wastong pagkiklino ng mga salita. A. mahirap, dukha, hampas-lupa, maralita B. maralita, hampas-lupa, mahirap, dukha C. dukha, mahirap, maralita, hampas-lupa D. mahirap, maralita, dukha, hampas-lupa 8. Alin ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan? A. kilala, sikat, tanyag, bantog C. bantog, kilala, sikat, tanyag B. sikat, kilala, tanyag, bantog D. tanyag, sikat, bantog, kilala 9. Sa iyong palagay, bakit Mawumag o tarsier ang ginamit na hayop sa halimbawang alamat sa Kabisayaan? A. kakaiba ito kumpara sa ibang hayop B. maganda ang mga katangian ng Mawumag C. matatagpuan ito sa ilang parte ng Kabisayaan D. maihahalintulad ang Mawumag sa iba pang uri ng hayop 10. Alin ang pinakaangkop na aral o mensahe ang nakapaloob sa alamat na binasa? A. Maging maingat sa bibitiwang mga salita. B. Matutong maging mapagbigay sa kapwa. C. Huwag nang sabihin ang totoo kung makasasakit. D. Mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili.