Sagot :
Answer:
Itinatadhana ng batas ang pagtatatag ng malasariling pamahalaan o komonwelt na pangangasiwaan ng mga Pilipino sa loob ng sampung taon; pagapapadala ng kinatawan ng Pilipinas sa US sa pamamagitan ng tanggapan ng Pilipinong Residenteng Komisyonado. Ang batas ay naggagawad din ng kapangayarihan sa Lehislatura ng Pilipinas na tumawag ng isang kumbensyong bubuo ng Saligang Batas ng Pilipinas.Ilan ang sumusunod sa mga bagay na dapat tuparin ayon na rin sa Batas Tydings-McDuffie.1.Pagbubuo ng isang kumbensiyon na maghahanda sa Saligang Batas;2.Pagpapatibay ng Pangulo ng US ng Saligang Batas;3.Pagpapatibay ng Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisito4.Paghahalal ng mga pinuno ng malasariling pamahalaan;5.Pagpapahayag ng kalayaan pagkatapos ng sampung taong malasariling pamahalaan.Sa pagbuo ng Saligang Batas, inihalal ang 202 delegado na ang naging pangulo ay si Claro M. Recto. Pinagtibay ng kumbensiyon ang iba’t ibang ulat ng mga komite, ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato at Malolos, mga tagubilin ni McKinley sa Ikalawang Komisyon ng Pilipinas at Batas Jones ng 1916.Pinagtibay ng mga Pilipino sa isang plebisito ang bagong Saligang Batas noong Pebrero 8, 1935. Dinala ito sa US at doon pinagtibay naman ni Pangulong Roosvelt noong Marso 23, 1935.Ginanap sa Pilipinas noong Setyembre 17, 1935 ang pambansang halalan para samga magiging pinuno ng komonwelt. Nahalal na pangulo si Manuel L. Quezon at pangalawang pangulo si Sergio Osmeña.
Explanation:
Sana makatulong.