👤

ibigay ang apat na anyo ng pang-uri at ipaliwanag bawat isa magbigay ng 2 halimbawang salita sa bawat anyo​

Sagot :

payak

maylapi

inuulit

tambalan

PAYAK -ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat. HALIMBAWA: ganda, talino, bago

MAYLAPI -kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. HALIMBAWA: maganda, matalino, makabago

INUULIT -kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang buong salitang-ugat. HALIMBAWA: kayganda-ganda matalinong-matalino

TAMBALAN -kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan. HALIMBAWA: balat-sibuyas, utak-matsing

sana makatulong