👤

ano Ang sistema Ng pagkakasulat na nabuo Ng mga serians​

Sagot :

Explanation:

Ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Sumerian ay cuneiform. Ang cuneiform ay isang sistema ng pagsulat na gumagamit ng clay o luwad na lapida. Ang sistema ng pagsulat na cuneiform ay ang pinakalumang halimbawa ng pagsulat sa buong mundo. Ang cuneiform na ito ay isa sa mga naging ambag ng Kabihasnang Sumerian.

Ang Cuneiform

Ang cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. Narito ang apat na kaalaman tungkol sa cuneiform:

Ito ay ginagamitan ng clay (luwad na lapida o tablet), at stylus.

Mainam din na malaman na ang cuneiform ay ang pinakalumang halimbawa ng pagsulat sa buong mundo.

Ang cuneiform ay ang sistema ng pagsulat na naging ambag ng Kabihasnang Sumerian.

Ginamit ng mga tagasulat ang cuneiform upang itala ang mga mahahalagang kaganapan noong unang panahon.

Iba pang mga Ambag ng Kabihasnang Sumerian

Maliban sa cuneiform, ang Kabihasnang Sumer ay may iba pang mga naiambag. Narito ang ilan sa mga ito:

lunar calendar

unang lungsod-estado

paggatas ng baka

paghahabi

sistema ng panukat ng bigat at haba

pag-aayos ng pag-aasawa ng anak

pagtatalaga ng karapatan ng mga babae

at iba pa