Sagot :
Answer:
Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin
Pagmamahal sa pamilya at sa kapwa
Pagbibigay ng pag-asa
Pagdadalamhati
Pagiging matatag sa kabila ng mga hamon at pagsubok
Paggabay sa mga taong nakakaramdam ng kalungkutan at takot
Pagbibibgay kasiyahan sa ibang tao
Damdamin
Ang damdamin ay tinatawag ding isang emosyon na ang ibig sabihin ay pansariling tugon sa isang bagay, tao o pangyayari. Nararamdaman ito ng isang tao depende sa kaganapan sa kanyang buhay. Ito ay isang kamalayan na natatanggap ng mga pandamdam.
Apat na Uri ng Damdamin Ayon kay Scheler
1. Pandama (sensory feelings)
Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
Halimbawa : pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang HINDI kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas mataas na halaga.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state)
Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao.
Halimbawa: kasiglahan, katamlayan, may gana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings)
Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin.
Halimbawa: sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)
Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in Values: What, Why and For Whom: (1990, ph. 51).
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Paghahangad (desire)
Pagkatuwa (joy)
Pag-asa (hope)
Pagiging matatag (courage)
Pagkamuhi (hatred)
Pag-iwas (aversion)
Pagdadalamhati (sorrow)
Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Explanation:
sana PO makatulong.
Answer:
NALULUNGKOT
Explanation:
dahil kung malungkot ka dito lalabas ang katamlayan
SANA PO MAKATULONG