Sagot :
Answer:
Salitang may Kaugnayan sa Globalisasyon
Narito ang mga salitang may kaugnayan sa globalisasyon:
- Internet – isinama ko ang internet dahil ito ang dahilan kung bakit mas bumilis ang globalisasyon. Dahil sa internet, nagkaroon ng kakayahan ang mga tao na mahanap ang mga impormasyong kanilang kailangan sa loob lamang ng ilang segundo. Ito rin ang naging daan upang maging mas mabilis ang komunikasyon, at naging mas konektado ang bawat isa. Sa kasalukuyan, maraming mga negosyo ang umaasa sa internet.
- Paglalakbay – mas naging mabilis ang paglalakbay dahil sa imbensyon ng mga bullet train, jet, at electric cars. Ito rin ang naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng globalisasyon dahil sandaling panahon nalang ang kailangan upang marating ang anumang sulok ng daigdig.
- Multinasyonal na Kumpanya – ang mga kumpanyang namumuhunan sa iba’t-ibang bansa ay bahagi din ng globalisasyon.
- Pagkakaisa – ang bawat tao ay nagkakaisa sa ilalim ng globalisasyon.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa globalisasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/2047996
#BrainlyEveryday