👤

Pangalan at Katangian ng mga tauhan sa Nagkamali ng Utos​

Sagot :

Answer:

Narito ang mga tauhan at ang kanilang mga katangian sa pabulang “Nagkamali ng Utos”.

Haring Tubino- Siya ang ama ni Prinsesa Tutubi at asawa ni reyna Tubina. Isang mapagmahal na ama at asawa. Matalinong hari na mayroong malasakit sa kanyang nasasakupan. Siya ang hari sa kaharian ng mga tutubi. Ang kaharian Matutubina.  

Reyna Tubina- Siya ang ina ni Prinsesa Tutubi at asawa ni Haring Tubino. Mapagmahal na ina at asawa. Siya ang reyna sa kaharian ng mga tutubi. Ang kaharian Matutubina.

Prinsesa Tutubi- ang bugtong na anak ni Haring Tubino at Reyna Tubina. Siya ang minamahal ng lahat sa kaharian ng Matutubina.

Mga Matsing- ang mga nangutya at nang api sa prinsesa ng mga Tutubi.

Kawal na tutubi- ang naatasan maghatid ng hamon na labanan laban sa mga mapangutyang matsing.  

Hari ng mga Matsing- siya ang hari ng mga mapangutyang matsing. Siya ay isang hari na walang maayos na plano at hindi marunong magbigay ng tamang kautusan sa kanyang nasasakupan. Siya din ang tumanggap ng hamon ng Hari ng mga Tutubi na magkaroon ng isang labanan.