👤

ano Ang ibig sabihan Ng nasyonalismo?​

Sagot :

Answer

Ang pagkamakabansa o nasyonalismo ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina o kilusang pampolitika na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan.

Answer:

NASYONALISMO

Explanation:

ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong. pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay isang pangyayaring kamakailan lamang naganap at nangangailangan ng mga kondisyong estruktural ng mga modernong lipunan. ang mga pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang simbolo ng mga pagkakakilanlang pambansa ay itinuturing na mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.