II. Panuto: Isulat sa may patlang ang tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat ang ekis (x). 1. Ang praylokrasya ay ang pagiging lubos na makapangyarihan ng simbahan sa mga usaping panrelihiyon, pampolitika at maging panlipunan. 2. Ayon sa batas ng Article 2 Section 6 (1987 Konstitusyon ng Pilipinas) hindi maaaring magpataw ng anumang opisyal na relihiyon ang estado. 3. Sa kabila ng paghihiwalay ng estado at simbahan, nananatili pa ring mahina ang impluwensiya ng simbahan. 4. Nagtiwala agad ang mga katutubo sa mga prayle sa unang pagkakataon. 5. May namuong pag-aalsa sa pagitan ng mga katutubo sa panahon ng mga kastila, 6. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, may unyon o pagkakaisa ang simbahan at ang pamahalaan. 7. Ang unang naatasang magmisyon upang gawing Kristiyano ang mga katutubo ang mga conquistador. 8. Ang mga paring regular ay mga paring Filipinong may karapatang humawak ng parokya, 9. Sa ilalim ng pagiging isa ng pamahalaan at simbahan tungkulin ng hari ng Spain na tugunan ang engangailangang militar at pinansiyal ng mga prayle. 10. Sinabi ng mga prayle na nakabuti sa mga katutubo ang kristiyanismo dahil pinalaya nila ang mga mula sa mga panginoong maylupa.