Si Lucio Tan ay malapit na kaibigan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa panahon ng panunungkulan ng nasabing presidente ay lumago ang mga negosyo ni Tan. Sa unang pagkakataon ay nanguna ang Fortune Tobacco Corp. sa lahat ng mga kompanya ng sigarilyo, nabili rin niya ang General Bank and Trust (ngayon ay Allied Banking Corp.) sa maliit na halaga. Sa panahon ring ito naitatag niya ang Asia Brewery Corp. matapos tanggalin ni Marcos ang ban sa pagtatayo ng bagong mga pagawaan ng beer.
Ang sumunod na administrasyong Aquino at Ramos ay naghabol sa di-umano’y tax evasion at ilan pang mga mga under-the-table na transaksyon. Pinapa-sequester ang ilan niyang kompanya dahil lihim raw itong pinagmamay-ari ng mga Marcos. Noong 2007, isang desisyon ng Supreme Court ang nagsabing walang sapat na dahilan para ma-sequester ng gobyerno ang mga negosyo ni Tan.