Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Sa bilang 1-5, isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi naman. At sa bilang 6-10, ibigay ang hinihiling. Isulat ang iyong sagot sa papel. 1. Sa pagtatahi ay dapat nasa maliwanag na lugar kung ito ay gagawin. 2. Ang gunting at karayom ay di dapat hinahawakan sa matulis na bahagi. 3. Ilagay sa bibig ang karayom kapag hindi ito ginagamit. 4. Sa pag-abot ng gunting sa ibang tao unahin ang uluhan nito. 5. Gamitin ang mga ngipin sa pagputol ng sinulid. 6-10. Magbigay ng limang kagamitang pantahi na madalas gamitin.