👤

Pagtataya
Bilugan ito.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin sa loob ng
panaklong ang pangkalahatang sanggunian na dapat mong gamitin
1. Nais mong malaman ang kinaroroonan ng iyong pamayanan.
( mapa, almanake)
2. Binigyan ka ng takdang-aralin ng iyong guro tungkol sa tamang
baybay ng mga salita. ( atlas, diksiyunaryo)
3. Mamamasyal kayo sa ibang bansa. Nais mong malaman ang
kinaroroonan ng London na inyong pupuntahan. ( almanake, globo)
4. Nais mong malaman ang iba't ibang pangyayari sa buong mundo sa
nakalipas na isang taon. (atlas, peryodiko)
5. Ang iyong guro sa Filipino at binigyan ka ng gawain upang malaman
ang kasingkahulugan at kasalungat ng isang salita.
( almanake, tesawro )
6. Napag-utusan ka ng iyong kagrupo na mag-ulat tungkol sa imbentor
ng telepono. ( diksiyunaryo, ensayklopidya)
7. Nagtatanong ang iyong kapatid tungkol sa Talambuhay ni Jose Rizal
habang kayo ay nasa biyahe. ( internet, ensayklopidya)
8. May nakita kang bagong salita habang ikaw ay nagbabasa ng isang
aklat at di mo alam itong bigkasin. ( almanake, diksiyunaryo )
9. Nais mong malaman ang kinaroroonan ng mga iba't ibang lugar.
( almanake, atlas)
10. Nais mong malaman ang tunay na pangyayari sa naganap na
pagsabog sa Jolo, Sulu. (peryodiko, ensayklopidya )​