👤

1. ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

A.Dula
B.Sanaysay
C.Nobela
D.Tula

2.Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?

A.Banghay
B.Tauhan
C.Pamamaraan
D.Tema

3.Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

A.Damdamin
B.Pananalita
C.pamamaraan
D.Simbolismo

4.Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.

A.Pamamaraan
B.Tauhan
C.Tagpuan
D.Tema

5.Ito ay ang diyalogong ginamit sa akda.

A.Pananalita
B.Pamamaraan
C.Tagpuan
D.Tema

6.Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghulo sa marlin, ano ang paulit-ulit na ninanais ni santiago?

A.Sana siya ay bata pa
B.Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda
C.Sana ang lahat na mangingisda na nag-aalipusta sa kanya ay naroon para maging saksi sa kanyang tagumpay
D.Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si manolin

7.Sa pahayag na "Huwag kang mag-isip tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating." ay tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang______.

A.Alipin
B.Kolonyal
C.Negatibo
D.Positibo

8.Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulaf ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.

A.Dagli
B.Talumpati
C.Maikling kuwento
D.Suring bansa

Para sa bilang 9-10: Punan ng pang-ugnay na pagsang-ayon o pagtutol ang pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

9._______ na isang mabisa, walang kupas at makatutuhanang salamin ng lipunan ang nobel.
10.______ na nag iiwan ng aral ang bawat nobela sa mambabasa.​


Sagot :

Nobela:

  1. C
  2. B
  3. D
  4. D
  5. A
  6. B
  7. C
  8. D
  9. Tunay
  10. Maaari

Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysal ng mga kaing - kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay - aliw ay nagpapakilos at pumupukaw din sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

Ang tauhan ang nagpapagalaw at nagbibigay - buhay sa nobela.

Ang simbolismo ay ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari.

Ang tema ang paksang - diwa na binibigyang - diin sa nobela.

Ang pananalita ay ang diyalogong ginagamit sa akda.

Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghulo sa marlin, paulit - ulit ninais ni Santiago na sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.

Sa pahayag na "huwag kang mag - isip tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating". Tinutukoy nito na ang matanda ay may isipang negatibo.

Ang suring - basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa o uri ng panitikan.

Tunay na isang mabisa, walang kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela.

Maaari na nag iiwan ng aral ang bawat nobela sa mambabasa.

Keywords: nobela, elemento

Ano ang mga elemento ng nobela: https://brainly.ph/question/2093231

#LetsStudy