Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong konsepto o kaisipan at MALI kung hindi. 1. Ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at katuwiran sapagkat Siya ay biniyayaan ng Diyos ng isip, kilos-loob, at kalayaan 2. Ang kilos ng tao ay walang kinalaman sa uri ng kanyang pagkatao 3. Ang kilos ng tao o act of man ay kailan man hindi magiging makataong kilos o human act. 4. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman ay kalayaan sa piniling kilos. 5. Ang kilos ng tao o act of man ay likas sa kanya at hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob 6. Kapag ginamit ng tao ang kanyangkakayahang pumili, ang kilos ng tao ay nagiging makataong kilos. 7. Ang taong walang kakayahang mag-isip ay may pananagutan parin sa kanyang mga maling kilos. 8. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. 9. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakasalalay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. 10. Kahit ang tao ay may kakayahang pumili at magpasya, nararapat parin na kanyang pagsisihan ang masamang ginawa bunga ng kanyang piniling kilos.