👤

Form 137
Arn Ordonez Estareja
Walang nadaramang saya at kasabikan si Meynard hanggang makapasok sa
paaralan.
"Bakit pa kasi ako ipatatawag ni Mam," maktol niya, "at kung kelan pa na-
man bertdey ko."
Tanggap na niyang hindi siya makapagtatapos sa Ikaanim na Baitang. Mula
nang tumuntong siya sa Ikatlong Baitang hanggang noong natapos niya ang
Ikalimang Baitang, hindi siya pinaaakyat ng entablado para kunin ang medal
ya na Academic Excellence with High Honors. Hindi rin nakalagay sa pro-
grama ng Araw ng Pagkilala ang kaniyang pangalan.
Baka masampahan ng kaso ng dati niyang iskul ang kasalukuyan niyang
paaralan. Mahirap na. Buti nga raw at tinanggap ako, at di pinapatigil sa
pagpasok
Di pa rin nababayaran ng kaniyang magulang ang dalawampung libong
pisong pagkakautang nila sa dating pribadong eskuwelahan Kaya hanggang
ngayon, hindi pa nito inire-release ang kaniyang Form 137, ang kaniyang
official transcripts of record.
Talaga namang maglilimang taon nang hirap na hirap ang pamilya nila sa
pera.
Malabo talaga siyang makagradweyt.
“Bakit pa kasi...," patuloy ang kaniyang maktol hanggang sa nasa pintuan
na siya ng kanilang homeroom.
Pagpasok niya, halos magkasabay ang pag-akbay sa kaniya ng kaniyang
tagapayo at ang masayang pagkanta ng "Hapi bertdey, Meynard..."
"Hindi naman ako happy. At paano kaya magiging happy," nasabi niya sa
sarili. Nanatili siyang walang kibo.
Sinundan ang pag-awit ng masigabong "Sabay-sabay tayong gagradweyt
bukas, Meynard!" kasabay nito ang paglaladlad nila ng tarpapel na may halos
ganoon ding mensahe.
"Tapos na ang problema mo. Natin." Ipinaliwanag ni Mam na gumawa ng
paraan ang aking mga kamag-aral, ang SSG, ang PTA, ang Principal at maraming
guro para makalikom ng perang kailangan. Pati ang mga organisasyon s:
barangay gayundin ang kapitan at mga kagawad ay malaki ang naitulong.
Hindi pa rin siya umiimik. Nanlalambot siya na parang nahihilaman lalo n
nang yakapin ng mga kaklase. Ewan niya bakit may sipon siyang napapahid.
Sa halohalong emosyong nadarama ni Meynard, nagsimulang lumutang ang
galak.
pel na
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Paano nagsimula ang kuwento? Nagustuhan mo ba ang simula nito
2. Paano nagwakas ang kuwento?
4. Nagustuhan mo ba ang pagwawakas ng kuwento? Bakit?
5. Nagustuhan mo ba ang daloy ng pangyayari sa kuwento? Bakit?​


Sagot :

Answer:

1. para sakin Hindi ko nagustuhan,

Explanation:

1. Dahil si meynard ay walang naramdaman kahit isa o wala siyang naramdaman na kasabikan at ang ikakasaya niya sa panimula ng storyang ito.

2. Nagwakas ang kuwento Ni meynard sa pamamagitan ng pagiging masaya dahil gumawa talaga ng paraan ang mga tao na nagmamahal sa kanya para lang mapadama sa kanya ang halo halong emosyon na Hindi pa niya nagawa.

4. Oo nagustuhan ko, dahil naisip ko din na kahit ilan mang problema na darating saatin o sakin may tamang paraan parin para malampasan natin ito katulad Kay meynard Hindi niya alam na may nagbibigay pala sa kanya na malaking surpresa na ika saya niya at ang mga taong nagbibigay sakanya ng malaking surpresa ang ang mga taong nagmamahal sa kanya na gumagawa ng tamang paraan.

5. Oo nagustuhan ko ang daloy sa kuwento, dahil ito ay isang kuwento na nagbibigay saatin ng pagkatuto Kong paano natin matutunan na malampasan ang ating mga challenges sa buhay.