Sagot :
Answer:
Explanation:Noong Hunyo 2, 1899, pormal na naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapĂłs ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kaniyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo.