Sagot :
Answer:
Maraming produktong ikinakalkal ng kabihasnang Maya at iba’t iba ito base sa bahaging pinagmumulan at sa pangangailangan ng mamimili. Gaya ng mga ikinakalakal sa silangang bahagi nito na nakaharap sa dagat Caribbean. Mabili dito ang mga produktong waks (wax), asukal, talukap ng pagong na panlupa (tortoise), tsokolate (cacao), coral, tinik ng isdang page (stingray) at ngipin ng pating.
Sa bahaging kanluran naman na malapit sa karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) ay ikinakalakal din ang bulak (cotton), asin, at tuyong dakta na kung tawagin ay Balsam at mga kabibe. Kasama rin dito ang mga produktong natatagpuan sa silangang merkado.