Sagot :
Answer:
Mga Uri ng Maikling Kwento
May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.