6. Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. A. alamat B. epiko C. dula D. tula 7. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. A. saknong B. sukat C. taludtud D. pantig 8. Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). A. saknong B. sukat C. taludtud D. pantig 9. Uri ng tayutay na naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng tila, parang , tulad ng, anaki'y at iba pa. A. metapora B. simili C. pagtatao D. alegorya 10-11. Tukuyin ang uri ng tayutay ng pangungusap na ito. 10. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy) A. metapora B. simili C. pagtatao D. alegorya 11. Ang iyong mga kamay ay tulad ng bulak sa lambot. A. metapora B. simili C. pagtatao D. alegorya 12. Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.