👤

saan tungkol ang tula na "ang buhay ng tao" sa tula ni jose corazon de jesus​

Sagot :

Answer:

Ang Buhay ng Tao ay isa sa mga tulang isinulat ni Jose Coraon de Jesus. Ito ay tungkol sa pagkakaiba at mga hindi patas na karanasan ng mga tao sa kanilang buhay. Ang tula ay binubuo ng walong (8) saknong, mayroong apat (4) na taludtod sa bawat saknong, at labindalawang (12) sukat sa bawat taludtod. Unang persona ang ginamit ni Jose Corazon sa tula.

Kung susuriin ang tula sa bawat saknong nito, makikita sa unang saknong ang pagpapahayag na sa paglalakbay ng persona sa kanyang pinanggalingan ay kanyang nabalikan at nakita ang kanyang maitim na budhi o hindi kagandahang karanasan mula sa kanyang nakaraan. Sa pangalawang saknong ay ipinapahayag na ang bawat tao ay makasalanan mula pa man noong kanilang pagsilang, kung pupunahin ang daigdig ay marami pa ang mga masama kaysa kabutihan. Sa ikatatlo at ikaapat na saknong, ipinahayag na ang bawat tao ay responsable sa kanyang kabuuan maging sa kanyang mga aksyon at pag-iisip.

Explanation:

#CARRYONLEARNING