Sagot :
Answer:
this
Explanation:
Ang Kabihasnang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa bago-Columbian na Amerika gayundin sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito. Ito ay simulang itinatag noong yugtong bago-Klasiko (c. 2000 BK hanggang 250 BK) ayon sa kronolihiyang Mesoamerikano. Marami sa mga siyudad ng Maya ang umabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sa yugtong Klasiko(c. 250 CE hanggang 900 CE) at nagpatuloy sa kabuuan ng Pagkatapos-na-Klasikong yugtong hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Timog Amerika.
Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.[1]
Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.[2]
Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.[2]
Ang kalendaryong Maya na batay sa tinatawag na Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ay nagsimula sa petsang Agosto 11, 3114 BCE. Ang misinterpretasyon ng Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ang basehan ng paniniwalang Bagong Panahon na ang isang kataklismo ay magaganap sa Disyembre 21, 2012. Ang Disyembre 21, 2012 ay simpleng araw na ang kalendaryo ay pupunta sa susunod na b'ak'tun.
Mga nilalaman
1 Mesoamerika
2 Heograpiya
3 Kasaysayan
3.1 Bago-Klasikong panahon (m. 2000 BK - 250 MK)
3.2 Klasikong Panahon
4 Lipunan
4.1 Ang hari at ang korte
5 Digmaan
5.1 Mga sandata
6 Kalakalan
6.1 Mga mangangalakal
7 Mga sanggunian
Mesoamerika
Lawak ng Maya sa loob ng Mesoamerika
Ang Kabihasnang Maya ay nabuo sa loob ng Mesoamerkinong kultural na lugar, na kung alin ay sumasaklaw sa isang rehiyon na umuunat mula sa hilagang Mehiko patimog sa Gitnang Amerika. Ang Mesoamerika ay isa sa anim na kuna ng kabihasnan sa buong mundo. Ang Mesoamerikanong lugar ay nagbigay-taas sa isang serye ng mga kultural na mga pagpapaunlad na tulad ng mga komplikadong mga lipunan, agrikultura, mga lungsod, arkitekturang bantayog, pagsulat at mga sistema ng kalendaryo.