Answer:
Ang Hindī (Devanāgarī: हिन्दी; bigkas /hín·di/) ay isang wikang Indo-Europeo na pangunahing wika ng hilaga at gitnang Indiya. Bahagi ito ng isang continuum ng mga diyalekto ng pamilyang Indo-Aryan at tumutukoy sa isang pamantayang talaan ng Hindustānī na idineklarang opisyal na wika ng Indiya noong 26 Enero 1965 bagamang kinikilala rin ng Saligang Batas ng Indiya ang Inggles at 21 pang ibang wika bilang mga opisyal na wika.