Panuto: Isulat ang T kung ang bawat sitwasyon ay nagpapakita ng pagtupad sa pangako at HT naman kung hindi nagpapakita ng pagtupad, Isulat ang sagot sa espasyo bago ang bawat bilang. Salungguhitan ang salita o mga salita na magpapatunay dito. Ang bawat bilang ay may katumbas na 2 puntos. Halimbawa: TSi Aling Maria ay isang magulang, isang araw ay inutusan niya ang kanyang anak na si Larry na linisin ang bahay dahil mamalengke siya pumayag naman si Larry at nadatnan ni Aling Maria na malinis ang bahay. li-i2. Ang magkaibigan na si Dan at Len ay nagkasundo na magkita sa bakanteng lote para maglaro, dumating si Len at nakita niya na nandoon si Dan at sila ay naglaro na. 13-14. Laging gumagastos ng pera si James ngunit hindi naman ito dahil sa kanyang proyekto, kinausap siya ng kanyang nanay na huwag na muna gagastos ng pera, pumayag naman si James at kapag may proyekto na iang siya gagastos ng pera. 15-16. Si Justin ay nahuhuli na sa honor sa klase kaya kinausap siya ng kanyang nanay na mag aral ng mabuti at iwasan ang pagbarkada, pumayag naman si Justin ngunit nakita pa rin siya ng kanyang nanay na hindi pumapasok at sumasama lamang sa barkada upang gumala. 17-18. Ang paninigarilyo ni Chris ang palaging dahilan kung bakit nagagalit ang kanyang asawa kaya sinabihan siya na huwag na manigarilyo, nangako naman si Chris ngunit nanigarilyo pa rin siya at namatay dahil sa lung cancer. 19-20. May usapan sina Jenny at Jessica na magtutulungan para sa kanilang proyekto sa Sabado ng umaga. iviaaga pa lamang ay naligo na si Jenny upang makipagkita kay Jessica.