👤

Ang diginidad ay naaapektuhan ng mismong sarili ng tao. Ipaliwanag.

Sagot :

Answer:

Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ... Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya't ito ay likas sa tao. ... Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

Happy learning^^

Ano ang DIGNIDAD?

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan,ay may dignidad. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.

Sabi nga ni Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at manggagawang Pilipino, ”May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...”

Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.Mapangangalagaan ang tunay na

dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang Diyos.

i know its too long but if i helped just make me brainliest thx

Godbless and stay safe!~