_________ 1. Ang bawat mamamayan ay may tungkulin na makibahagi sa pagsasaayos ng lipunan at isa sa tungkuling ito ay ang pagsunod sa mga kautusan at mga batas na gumagabay sa paggalaw ng ating lipunan. _________ 2. Ang batas ng tao ay kailangang naaayon sa Likas na Batas Moral. _________ 3. Ang mga batas ay nilikha para malimitahan ang kalayaan ng tao. _________ 4. Ang itinuturo sa atin ng Likas na Batas Moral ay pagturing sa tao bilang may pinakamataas na halaga. _________ 5. Isang layunin ng batas ay ang mapangalagaan ang ating karapatan. _________ 6. Ang pagkilos nang tama ay paggawa ng kabutihan sa piling panahon o oras lamang. _________ 7. Dapat sundin ang isang batas kahit alam mo na ito ay ikapapahamak mo. _________ 8. Malaki ang papel na ginagampanan ng batas sa kaayusan ng lipunan. _________ 9. Kailangang paunlarin mabuti ang kaalaman ng mga kabataan upang magamit ito sa pagsusuri ng mga pinaiiral na batas. _________ 10. Ang Likas na Batas Moral ay gabay lamang upang makita ang halaga ng tao.